Pahinga pa rin si Coach Pop

SAN ANTONIO  -- Inaasahang hindi pa rin makakasama si San Antonio coach Gregg Popovich sa home game ng Spurs kontra sa Sacramento nitong Biyernes.

Ang kanyang assistant na si Ettore Messina pa rin ang magmamando ng team sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil magrerekober pa si  Popovich sa tinatawag ng team na ‘minor medical procedure.’

“It’s not what you want, but the good thing is that obviously it’s nothing big or you would not see me here so relaxed,’’ sabi ni Messina.

Ang 65-gulang na si Popovich ay nasa kanyang ika-18th season bilang head coach ng Spurs.

Si Messina ang unang European-born coach na nagmando ng NBA team sa regular season. Si Messina na tinatawag na ‘Coach Pop of Europe,’ay nasa kanyang unang season sa Spurs matapos ang matagum-pay na kampanya sa international scene.

“Obviously, he’s an international basketball le-gend,’’ ani Indiana coach Frank Vogel. “I don’t really know that much more about him other than he’s highly, highly respected.’’

Si Messina ay two-time Euroleague coach of the year at nag-coach na rin sa Russia, Italy at Spain.

Siya ay naging coaching consultant sa Los Angeles Lakers noong 2011-12.

Show comments