Delarmino nakuntento sa silver medal kahit...

PHUKET, Thailand—Ang pagpapabagsak sa Thai ang kailangan ni Pinoy muay thai fighter Phillip Delarmino para makuha ang gintong medalya.

Ngunit hindi niya ito nagawa bagama’t nilamog niya ang mukha ng kalabang Thailander sa pamamagitan ng kanyang mga matitinding sipa sa 4th Asian Beach Games.

“I failed to knock him out,’’ sabi ng 24-anyos na si Delarmino ng Dumangas, Iloilo sa kabiguan niyang makuha ang puntos sa mga judges para makuntento sa silver medal. “But I clearly won that fight.’’

Tinalo ni Luangpon si Delarmino, 4-1 sa men’s 54kg finale sa Patong Central Beach.

Dahil dito, isinara ng Team Philippines ang kanilang kampanya sa continental meet sa pakikipag-tabla sa Hong Kong sa 14th  overall sa medal standings sa nahakot na 3 gold, 2 silvers at 7 bronze medals.

Ito ang pinakamagandang kampanya ng bansa sa biennial Games na ini-lunsad noong 2008 sa Bali, Indonesia.

Kabuuang 77 Filipino athletes ang sumabak sa 16 sports.

“We only hoped to win a gold because we hadn’t won a gold before, but our athletes gave us three. I couldn’t ask for more,’’ wika ni Philippine chef de mission Richard Gomez.

Ibinulsa ng host Thailand ang overall title sa nakolektang 56 gold, 36 silver at 33 bronze me-dals kasunod ang China (16-11-21) at South Korea (9-14-14) sa pagtatapos ng 45-nation meet na inorganisa ng Olympic Council of Asia.

 

Show comments