Algieri bilib kay Pacman

MACAU – Halu-halo ang nararamdaman ni Chris Algieri nang humarap sa post-fight conference isang oras matapos matikman ang kanyang unang talo bilang boxer.

Bukod sa mga pasa, walang gaanong dapat itago si Algieri. Maayos pa rin ang kanyang mukha.

Pumasok ang 30-gulang na si Algieri, malinis ang record hanggang sa nakaharap niya si Manny Pacquiao kahapon, na naka-itim na T-shirt at nakasuot ng shades bago nagsalita tungkol sa laban.

“This is not exactly the way I expected to be up here,” sabi ni Algieri, anim na beses napabagsak ng kamao ni Pacquiao. “I’m very disappointed. But this is boxing.”

Ilang araw bago ang laban, tinanong si Algieri kung ano ang mangyayari sa kanilang laban ni Pacquiao at sinagot niya ito ng pagtataas ng kanyang mga kamay na siya ring ginawa ng kanyang trainer na si Tim Lane.

Ngunit pagkatapos ng laban ay ibi-nigay nila ang papuri kay Pacquiao.

“Manny Pacquiao is a great cham-pion. He’s an all-time great and one of the best fighters ever. But I’m going to take this as a learning experience,” aniya.

Ilang araw bago ang laban, siniguro ng trainer ni Algieri na si Lane, na mapapabagsak ng kanyang alaga si Pacquiao ngunit pagkatapos ng laban ay hindi na ito masyadong nagsalita at pinuri rin niya si Pacquiao.

“Manny Pacquiao is a great fighter,” ani Lane.

Masuwerte pa rin si Algieri dahil tinapos niya ang laban na nakatayo at nakakalakad pa rin kahit anim na beses siyang pinabagsak ni Pacquiao sa kanilang laban.

“He found holes on my defense. It not just his hand speed. He’s a great fighter. He does everything well. He has perfected his style of fighting,”  ani Algieri na hindi raw nasaktan sa laban. “I was never hurt. But he did catch me with a big shot. I think it was in the ninth round.”

 

 

Show comments