SBP pipili ng coach ng cadet team

MANILA, Philippines – Sinabi ni Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas exe­cutive director Sonny Barrios na sisimulan na rin ang paghahanap ng national coach ng Philippine team para sa SEABA Cham­pionship at SEA Games sa susunod na taon.

Ang komite ay kabibi­la­ngan nina Barrios, Junel Baculi ng UAAP, Paul Su­pan ng NCAA, Jay Ada­lem ng NAASCU at  Yayoy Alcoseba ng CE­SAFI na siyang magsasala ng mga kandidato na ipi-presinta para apruba­han ng SBP executive commi­ttee na pamumunuan ni SBP president Manny V. Pa­ngi­­­linan.

“We actually had an initial meeting but Yayoy Alcoseba and Jay Adalem failed to make it because of prior commitments,” sabi ni Barrios na nagsabing muli silang magpu­pu­long  at gagamitin ang parehong procedure na ginawa sa pag-i-screen ng mga kandidato para sa bagong coach ng Gilas.

Inaasahang kasama sa pagpipilian sina UAAP champion coach Eric Altamirano, national youth mentor Jamike Jarin at NCAA winning coach Bo­yet Fernandez.

Show comments