Arcilla, Tierro nagparamdam

MANILA, Philippines – Binuksan ni Johnny Arcilla ang kanyang kampanya sa hangad na pang-siyam na korona matapos igupo si Kyle Joseph, 6-1, 6-0 sa men’s singles division ng 33rd Philippine Columbian Association Open na inihahandog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings kahapon sa PCA Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.

Muling naglaro sa madulas na clay court kung saan siya nanalo ng tournament record na walong titulo, magaang tinalo ng 34-anyos na si  Arcilla si Joseph, isang last-minute replacement kay Miguel dela Paz.

Makakatapat ni Arcilla sa second round ang mananalo kina Kyle Parpan at Alberto Villamor.

Katulad ni Arcilla, umabante rin sa second round si top seed PJ Tierro na nagpabagsak kay age-group champion Joshua Cano, 6-2, 6-4 at lalabanan ang mananaig sa pagitan nina Abdulquohar Allian at Marcen Gonzales.

Binigo naman ni 2013 runner-up Marc Anthony Reyes si John Jeric Accion, 6-0, 6-2. Nagposte naman ng upset sina Angelo Esguerra at Bernardine Siso nang ta-lunin ang mga pinapaborang sina Calvin Canlas, 6-3, 6-2, at Jarryd Manduriao, 7-6 (4), 6-3, ayon sa pagkakasunod.

Nanalo rin sina Ronard Joven, Arcie Mano, Arc Dolorito, Rollie Anasta at Expedito Lim, Jr.

Show comments