MANILA, Philippines – Dumating si dating National Basketball Association (NBA) Most Valuable Player Allen Iverson sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kahapon sakay ng Philippine Airlines flight PR 105 mula sa San Francisco. Magdaraos si Iverson ng fund raising events para sa Gawad Kalinga at magkakaroon ng basketball clinic para sa mga batang basketball players kasama si Tim Cone ngayon at exhibition game sa Mall of Asia Arena bukas kung saan kakalabanin ng team ni Iverson at team ni Cone na binubuo ng mga UAAP at NCAA players sa pangunguna nina Kiefer Ravena at Jeron Teng.