SACRAMENTO, Calif. – Binigyan na ng ‘go signal’ sina Sacramento Kings forward Rudy Gay at guard Ben McLemore para makapaglaro sa kanilang season opener.
Inihayag ng Kings na napatunayan sa CT scan ng panga ni Gay na wala itong fracture. Nagkaroon si Gay ng injury sa second quarter ng 93-92 panalo ng Sacramento laban sa Los Angeles Lakers sa preseason finale.
Sinabi naman ng Kings na limang tahi ang kinailangan para maisara ang sugat ni McLemore sa ibabaw ng kanyang kanang mata matapos makabanggaan si Lakers’ Wayne Ellington sa laro sa Las Vegas.
Bubuksan ng Kings ang season laban sa Golden State Warriors sa Miyerkules.
Samantala, makaraang sumailalim sa surgery para ayusin ang kanyang facial fracture, inaasa-hang magpapahinga si Orlando Magic guard Victor Oladipo sa unang buwan ng season.
Nasiko sa ulo si Oladipo, ang 2014 runner-up para sa NBA Rookie of the Year award, sa kanilang ensayo noong Huwebes.
Sumailalim siya sa surgical procedure noong Sabado.
Malaking kawalan para sa Magic ang pag-upo ni Oladipo at maging kay rookie Elfrid Payton Jr., sasalo sa maiiwang trabaho ni Oladipo.