Kabayong Umbrella Girl umangat sa mga kalaban

MANILA, Philippines - Sa labanan ng anim na kabayo na malakas ang pagdating  ay lumabas ang tapang ng Umbrella Girl para maging long shot sa unang araw ng karera sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si RM Telles ang sumakay sa kabayo sa 1,000-metro karera na Handicap Race 2 at sa huling 50-metro kumawala ang kabayo tungo sa panalo.

Huling panalo sa race track na pag-aari ng Metro Turf Club Inc. ay noon pang Setyembre 21 at maganda ang pagkakapuwesto ng Umbrella Girl sa dulong labas para makaremate.

Ang Black Parade na unang lumamang sa sprint race bukod sa Sabuhin, September Morning, Barbie at Puting Eagle ang mga magkakasabay na rumeremate pero sapat ang lakas na ginawa ng Umbrella Girl para manalo ng kalahating ulo sa Black Parade.

Umabot pa sa P62.00 ang  panalo sa win habang ang forecast ay may P109.50 na ipinamahagi.

Nakabawi ang Aqua­rius sa pangalawang puwestong pagtatapos sa huling takbo nang manalo sa Metro Turf special race habang ang Show Must Go On   ang nanaig sa 3 Year Old and Above Maiden A & B para sa P10,000.00 dagdag premyo.

Kinuha agad ng Aquarius ang liderato sa pagbukas ng aparato pero pinigil ito ng hineteng si RO  Niu Jr. para ibigay ang bandera sa Mariz Manpower.

Sa kalagitnaan ng 1,200-metro distansyang karera ay nag-init uli ang Aquarius para agawin ang unahan at mula rito ay hindi na inabot ng mga
katunggali.

Nakaremate pa ang Conquista Boy para pumangalawa sa datingan.

Pumangalawa sa hu­ling takbo, ang win ay naghatid ng P14.50 habang ang 7-2 forecast ay may P32.50 dibidendo.

Wala ring naging problema sa Show Must Go On na patok sa karera.

Sinundan muna ng Show Must Go On ang pangunguna ng Kinagigiliwan bago humataw pagpasok sa far turn.

Limang dipa ang inilayo ng kabayong sakay ni Mark Alvarez sa Kinagigiliwan sa pagda­dala ni EL Blancaflor para makapaghatid ng P9.00 sa win at P12.00
sa 6-5 forecast. (AT)

 

Show comments