Knicks nakatikim ng panalo

UNCASVILLE, Conn. -- Kumamada si Carmelo Anthony ng 16 points at nakamit ng New York Knicks ang kanilang unang panalo sa preseason matapos ang 96-80 paggiba sa Boston Celtics.

Nagtala si J.R. Smith ng 14 para sa New York (1-1), habang may tig-11 sina Tim Hardaway Jr. at Cleanthony Early mula sa bench. Nauna nang natalo ang Knicks sa Celtics noong Miyerkules.

Nagsalpak si Smith ng magkasunod na 3-point shots sa third period at tinulungan ang Knicks na kunin ang 78-64 bentahe patungo sa fourth period.

Tumipa sina Jared Sullinger at Marcus Thornton ng tig-15 points para sa Boston (2-2) na natalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.

 

Show comments