Isinusulong ni Pampanga Cong. Guiao P1b pondo para sa Sports?

MANILA, Philippines - Sinabi ng PBA coach at Pampanga congressman na si Yeng Guiao, vice chair ng House committee on youth and sports, na nasa proseso na sila ng pag-aamiyenda ng Philippine Sports Commission charter sa layu-ning mabigyan ang ahensiya ng annual funding  na hindi bababa sa P1 billion.

At kapag mayroon nang ganitong pondo, sinabi ni Guiao na aatasan ang PSC na magkaroon ng magkakahiwalay na training venues para sa mga atleta mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Guiao, ina-ayos na lamang nila ang mga detalye para sa natu-rang House bill matapos ang napakaraming hearing.

Umaasa si  Guiao na makakakuha pa siya ng mas maraming impormas-yon ukol sa naging pagtatapos ng Phl Team sa nakaraang Asian Games sa Incheon, Korea.

Nais ng neophyte na mambabatas, matagal nang vice governor ng Pampanga at champion coach sa PBA, na masimulan na agad ang kanyang naunang resolution ukol pag-iimbestiga  sa pagtatapos ng Team Philippines sa Incheon Asiad sa pagpapa-tuloy ng session ng House of Representative ngayon.

Ayon kay Guiao posibleng i-refer ng House Committee on Rules ang kanyang resolution sa House committee on youth and sports na pinamumunuan ni Anthony del Rosario ng Davao.

“Once given the jurisdiction, Congressman Del Rosario would give that priority,” sabi ni Guiao na determinadong pagtrabahuhin ang mga Filipino sports leaders at i-pressure sila na gumawa ng tamang programa para sa magandang performance ng mga Filipino athletes sa susunod na international meets.

“It’s not just about Gilas Pilipinas. It’s an investigation on what happened to the performance of the whole Philippine delegation in the 17th Asian Games in Incheon, Korea,” sabi ni Guiao. “The purpose is not to fault or blame anyone but to make an evaluation and assessment, looking at the factors that contributed to the dismal showing, then finding the solution.

“Ayaw kong maghanap ng sisihin, baka magturuan lang, and it’s counterproductive. I want positive – what’s the lessons learned and how do we prepare for the next games,” dagdag pa ni Guiao.

Higit sa lahat, ang pagdinig ay isang daan para makabuo ng bagong PSC charter. “In terms of le-gislation, saan ba kulang? Anong resources? There’s where Congress will come in, taking cognizance of the problem then addressing it. That’s the primary purpose,” ani Guiao.

Sa kasalukuyan limi-tado ang pondo ng PSC.

“By law, the PSC is to get five percent of PAGCOR’s income. Kaya lang 2.5 percent lang ang natatanggap ng PSC. Questionable na agad,” wika ni Guiao.

 

Show comments