PHOENIX — Tumipa sina Goran Dragic at Markieff Morris ng tig-12 points para pangunahan ang Phoenix Suns sa Denver Nuggets, 97-89, sa kanilang preseason match.
Nag-ambag sina Gerald Green, Ty Warren at Anthony Tolliver ng tig-10 markers para sa Suns.
Nagsalpak naman si Danilo Gallinari ng 17 points mula sa bench sa panig ng Nuggets sa kanyang unang paglalaro matapos noong Abril 4, 2013 kung saan siya nagkaroon ng tore anterior cruciate ligament sa kanilang tuhod sa kanilang laro ng Dallas Mavericks.
Nagdagdag si Timofey Mozgov ng 14 points at humakot si Jusuf Nurkic ng 12 rebounds para sa Denver.
Lumamang ang Phoenix ng 6 points sa halftime ngunit inungusan ang Denver, 28-18, sa third period bago nagtayo ng 18-point lead.