Shakey’s V-League Season 11 Reinforced Win No. 2 asam ng IEM; PLDT puntirya ang 2-0

MANILA, Philippines - Ang solong liderato ang target ng Instituto Es­­te­tico Manila Volley Masters na masilo sa men’s division, habang sososyo sa liderato sa women’s category ang nakataya sa PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa pagba­balik-laro ng Shakey’s V-League Season 11 Fo­reign Reinforced Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Unang sasalang ang IEM kontra sa Rizal Technological University Blue Thunders sa ganap na alas-4 ng  hapon at ba­lak lu­mayo ng una sa Sys­te­ma Active Sma­shers at FEU Tamaraws na mag­ka­sama sa ika­lawang pu­westo sa magkatulad ni­lang 1-1 baraha.

Lahat ng naunang mga laro sa kalalakihan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s ay umabot sa limang sets at ang IEM ay nakakuha ng panalo ma­tapos pataubin ang Sys­tema.

Paborito ang IEM da­hil sa taglay nilang karanasan laban sa RTU na yu­mukod sa Tamaraws sa unang laro.

Makakasalo ang Turbo Boosters sa pahingang Ar­­my Lady Troopers kung manaig sa Cagayan Valley Lady Rising Suns sa ikalawang laro sa alas-6 ng gabi.

Bagama’t walo lamang ang nasa line-up ni coach Roger Gorayeb ay nagawa pa rin nilang higitan ang larong ipinakita ng Meralco Power Spi­kers sa 3-0 sweep patungo sa unang panalo sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa.

Ang mga beteranang sina Sue Roces, Gretchel Sol­tones, Charo Soriano, Ryzabelle Devanadera, An­­gela Benting, Lau Ann La­tigay, Rubie de Leon at liberong si Lizlee Ann Pantone ang mga hahataw muli para sa PLDT at patatagin ang paghahabol ng koponan sa puwesto sa Finals ng torneo.

Show comments