P40K multa parusa kina Villanueva at Araña

MANILA, Philippines - Ilang linggo matapos mangyari ang rambulan, pinagmulta kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud sina Rico Villa-nueva ng NLEX at Ryan Araña ng Rain or Shine ng tig-P40,000.

Sa kanilang ginawang video review, sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na si Araña ang nagpasimula ng naturang bench-clearing incident matapos batuhin ng bola si Villanueva sa second period ng kanilang tune-up game noong Setyembre 26 sa Meralco Gym sa Pasig City.

Kaagad gumanti ng suntok si Villanueva, da-ting Ateneo Blue Eagles center, sa dating La Salle Green Archer na si Araña.

Nang matumba ang dalawa ay binato naman ng bola ni Rain or Shine forward Jervy Cruz si Villanueva na nagresulta rin ng kanyang P40,000 multa.

Ang rookie guard namang si Jericho Cruz ng Rain or Shine ay pinagbayad ng P20,00 dahil sa pamamato rin ng bola kay Villanueva. (RCadayona)

Show comments