Kobe Bryant sumalang na

San Diego – Kuma­mada si Kobe Bryant ng 13 points at 5 assists sa loob ng 21 minuto para igiya ang Los Angeles Lakers sa 98-95 panalo laban sa  Den­ver Nuggets sa kanilang preseason game.

Nagbabalik si Bryant, hindi makita sa 76 laro sa nakaraang season kasama rito ang huling 57 dahil sa isang fractured left knee.

Nagdagdag naman si guard si Steve Nash, nanggaling din sa injury, ng 11 points at 5 assists, habang may 14 mar­kers si Jordan Clarkson.

Sa Chicago, tumipa si Glen Rice ng 18 points, ha­bang nagtala si Marcin Gor­tat ng 13 points at 10 re­bounds para igiya ang Washington Wizards sa 85-81 panalo laban sa Chi­cago Bulls sa kanilang preseason opener.

Nagkaroon ng tulakan sina Chicago center Joakim Noah at Wizards forward Paul Pierce sa larong na­ging unang salang ni Derrick Rose.

Umiskor si Rose, suma­ilalim sa dalawang major knee injuries na naglimita sa kanya sa 10 laro sa na­karaang dalawang seasons, ng 11 points sa 14 first-half minutes para sa Bulls.

Hindi na siya naglaro sa second half.

Ang hard foul ni Pierce kay Jimmy Butler ang nag­resulta sa kanilang tula­kan nila ni Noah bago sila na­awat ni Bulls coach Tom Thi­bodeau.

May 2 points si Pierce sa kanyang unang laro pa­ra sa Wizards.

Show comments