NCAA-PC ACCEL Quantum/3XVI Player of the Week

MANILA, Philippines - Kapag namemeligro ang Perpetual Help Altas ay naroroon si Earl Scottie Thompson para isalba ang team.

Nakitaan uli ng galing ang 21-anyos  na tubong Digos City, Davo del Sur para maipanalo ng Altas ang dalawang dikit na laban at makatiyak na ng playoff para sa puwesto sa Final Four.

Ang ipinakita ay hindi rin lumusot sa mga mata ng NCAA Press Corps para ibigay sa kanya ang ACCEL Quantum-3XVI Player of the Week na suportado rin ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Diswashing.

Ito na ang ikatlong citation na ipinagkaloob ng mga mamamahayag at online writers na nakuha ni Thompson at tulad sa naunang dalawang pagkakataon ay karapat-dapat na siya ang kilalanin dahil lutang ang kanyang laro.

May 20 puntos, 12 rebounds at 8 assists si Thompson para tulungan ang Altas sa 65-62 panalo sa St. Benilde.

Mas tumindi ang ipinakita ni Thompson kontra sa San Sebastian dahil ibinangon niya ang koponan mula sa 33-47 iskor sa ikatlong yugto tungo sa 92-76 panalo.

 

Show comments