MANILA, Philippines - Patuloy ang balikatan nina Ruben Tupas at Conrado Vicente habang nakadikit pa si Dave dela Cruz kung kita ng mga trainers ang pag-uusapan.
Patuloy ang paglayo ni Vicente kung bilang ng mga panalo ang pag-uusapan pero hindi pa rin nawawala sa unang puwesto si Tupas dahil sa mga magagandang panalo ng mga sinanay na kabayo sa mga stakes races
Pumalo na sa P2,246,309.63 ang kinita ni Tupas sa unang walong buwan ng taon matapos ang 90 panalo, 97 segundo, 86 tersero at 90 kuwarto puwesto.
Nasa 118 panalo na ang mga kabayong hawak ni Vicente bukod pa sa 110 segundo, 92 tersero at 75 kuwarto pagtatapos tungo sa P2,106,701.87.
Si Dela Cruz ang ikalawang trainer lamang na may mahigit 100 na panalo sa 104 upang isama sa 81 segundo, 93 tersero at 82 kuwarto puwesto para pumalo na sa P1,752,337.02 kita.
Limang trainers ang may mahigit na P900,000.00 premyo na sa pangunguna ni RP La Rosa na kumabig ng P952,569.37 sa 66 panalo, 46 segundo, 30 tersero at 22 kuwarto puwesto.
Si RC Hipolito ay kumabig na ng P940,093.37 (34-23-15-13), si MM Vicente ay may P925,816.69 (46-49-53-52), si RR Yamco ay may P918,170.95 (46-49-53-52) at si JC Pabilic ay may P905,583.21 (55-54-31-58).
Nasa ikasiyam na puwesto si RR Henson sa P840,067.06 (48-46-32-35) at si AC Sordan Jr. ang kukumpleto sa top ten sa P831,666.22 (49-42-61-51).
Hahataw ang kita sa buwan ng Oktubre dahil sa malalaking karera na nakahanay. (AT)