Elite inilalako si Ildefonso

MANILA, Philippines - Naghahanap si Blackwater team owner Dioceldo Sy ng koponan na interesado sa trade para sa beteranong player na si Danny Ildefonso.

Gusto sanang i-release na lamang ni Sy si Ildefonso ngunit pinayuhan siya ng mga PBA officials na hawakan ang rights sa player para mapreserba ang integridad ng nakaraang dispersal draft kung saan ang two-time MVP ang No. 1 pick ng Elite.

Hindi tinanggap ni Ildefonso ang alok ng Blackwater na dalawang taong kontrata na may P200,000 sahod sa unang taon at P225,000 sa susunod na taon.

Humingi ang agent ni Ildefonso ng P500,000 sahod kada-buwan na lampas na sa P420,000 limit ng liga.

 “I was quite surprised by what was being asked,” ani Sy.  “All I wanted to do was to give Danny a graceful exit and I thought two years would be more than fair.”

Show comments