Baka huling hirit na ni archer Tabañag

INCHEON, South Korea -- Sa edad na 49 ay gusto na ni Joan Chan Tabañag na matikman ang kanyang kauna-unahang medalya sa Asian Games.

Kasama si Tabañag sa pitong archers na mapapalaban sa compound event na gagawin sa kauna-unahang pagkakataon sa Asian Games.

Napasok sa National team  noon pang 1985 sa edad na 21, nagsakripis-yo ng malaki si Tabañag para maihanda ang sarili sa pagbibitiw sa trabaho bilang manager ng pasilidad na nasa pangangalaga ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ibinuhos ni Tabañag ang kanyang oras sa pagtuturo ng mga batang archers sa Manila Polo Club, isang desisyon na hindi niya pinagsisihan dahil nagagawa rin niyang isabay sa pagtuturo ang pagha-handa para sa Incheon.

“I sacrified a lot for this Games. I am here, not for the heck of it’ but to compete,” wika ni Tabanag na makailang-ulit nang nanalo sa SEA Games.

Makakasama niya sa koponan sa women’s team ang mga beterana ring sina Abbigail Tindugan at Amaya Amparo Cojuangco habang ang men’s team ay bubuuin nina Ian Patrick Chipeco, Earl Benjamin Yap, Jose Ferdinand Adriano at Paul Marton dela Cruz.

Ang kanyang sakripis-yo at ang masisinsinang paghahanda ng iba pang kasamahan ang nagpapatibay sa paniniwala ni Tabañag sa kakayahan nilang makapag-uwi ng medalya.

Sa Martes magsisimula ang archery sa Gyuyang Archery Field. (MRM)

 

Show comments