Sa kabila ng kanyang namamagang kamay Coveta binitbit ang Phl flag sa opening ceremonies

INCHEON, Korea -- Pi­nangunahan ni windsur­fer Geylord Coveta ang pagmamartsa ng Philippine delegation bilang flag bearer kagabi sa parada ng mga bansang kasapi sa opening ceremonies ng 17th Asian Games sa In­cheon Main Stadium dito.

Sa pagbibitbit niya ng ban­­­­dila ng bansa ay ki­­na­­ilangang i­ngatan ni Co­­veta ang kanyang na­ma­ma­gang kanang ka­may na dalawang taon nang problema niya.

Namamaga rin ang kan­­yang mga daliri na kai­la­ngan niya sa pagkontrol ng mast sa kanyang ha­­ngaring manalo ng gold medal sa SA:Mistral event ng windsurfing com­­petition.

“Two years na rin itong pabalik-balik,” sabi ng 33-anyos na mula sa Ani­lao, Batangas. “Pero sa­­na maging maayos agad ang lagay ko before the com­­petition.”

Pinayuhan ni Philippine team physical therapist Mar­lon Dagatan si Co­veta na ipahinga ang ka­may at alalayan ang kamay kapag nagte-training.

Nilagyan ni Dagatan ng tape ang kamay ni Co­veta upang mabawasan ang pamamaga. Sinabihan din niya itong mag-the­­rapy.

“Na-overuse ‘yung right hand niya kaya kaila­ngang ipa­hi­nga,” sabi ni Daga­tan kay Coveta.

Biglang hinugot si Co­veta para maging flag bearer sa pag-atras ni  Japeth Aguilar ng Gilas Pilipinas na hindi makakadalo sa opening ceremonies ng Asian Games.

Show comments