MANILA, Philippines - Masasaksihan ng mga local taekwondo enthusiasts ang mga kapana-panabik na events sa SMART national inter-school (free sparring) at PLDT Home-Bro (poomsae) championships sa Setyembre 20-21 sa Ninoy Aquino Stadium.
Higit sa 2,000 novice at advance male at female athletes ang inaasahang sasali sa senior, junior, Cadet at grade school divisions.
Kabilang sa mga paaralang lalahok ay ang De La Salle University (Taft, Zobel, Lipa at Dasmariñas), College of Saint Benilde, University of the Philippines, University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Far Eastern University, University of the East, San Beda College (Alabang, Mendiola at Taytay) at Letran College.