UST pinalakas ang pagdedepensa sa taekwondo

MANILA, Philippines - Pinanatili ng Univer­sity of Santo Tomas ang ka­nilang hangarin sa pa­tuloy na pagsuot sa men's title matapos talunin ang De La Salle University, 4-3, sa UAAP Season 77 taekwondo tournament sa The Arena sa San Juan.

Tinalo ni light heavyweight Aries Capispisan si Gerry del Rosario, 7-6, pa­ra sa 5-0 record ng Grow­ling Tigers.

Nanalo rin ang UST sa women's division nang gibain ang University of the Philippines para sa unang kabiguan ng huli sa season.

Sa likod ng 7-6 pana­lo ni heavyweight Jane Narra kay Cyrmyn Perlas sa seventh bout, tinakasan ng Tigresses ang Lady Ma­roons, 7-6.

Nagbigay din ng panalo para sa Tigers sina vete­rans Joaquin Mendoza, Paul Romero at Rhey Cat­ris.

Nagtala naman ng panalo sina 2013 MVP Nicole Cham, Colleen Heria at Korina Paladin para sa Tigresses kontra sa Lady Maroons.

Pumuwersa ang nag­de­depensang De La Salle ng isang three-way tie pa­ra sa first place kasosyo ang UST at UP sa magkakatulad nilang 4-1 marka mu­la sa 6-1 pananaig sa University of the East.

Sa iba pang men's mat­ches, tinalo ng Natio­nal University ang UP, 4-3, para makuha ang so­lo third sa kanilang 3-2 ba­raha.

Show comments