UP kampeon sa women’s badminton

MANILA, Philippines - Tinapos ng University of the Philippines ang dalawang taong paghahari ng Ateneo sa women’s badminton nang kanilang kumpletuhin ang pagdomina sa UAAP Season 77 edition sa pamamagitan ng 3-2 panalo kamakalawa sa Rizal Memorial badminton Hall.

Sumandal ang Lady Maroons sa panalo ni season MVP Jessie Francisco sa deciding singles nang kanyang hugutin ang 21-16-21-13 panalo kay Jana de Vera para sa kanilang 9-game sweep na tumapos ng kanilang 14-taong pagkauhaw sa titulo.

Samantala, sisimulan naman ng UP ang kanilang pagdedepensa ng titulo sa men’s and women’s division ng  table tennis tournament ngayon na gagawin sa Blue Eagle Gym.  

Show comments