MANILA, Philippines - Mag-eensayo na nga-yon ang Gilas Pilipinas at inaasahang darating ang lahat ng miyembro ng team maliban kay Paul Lee na nakiusap na bigyan pa siya ng isang araw na palugit.
Dahil pagod mula sa biyahe, iniurong ng 2-araw ang pag-alis ng Gilas Pilipinas mula sa kanilang Sept. 18 schedule na pag-alis patungong Incheon.
“We requested that we be excused for the opening ceremonies, and the Philippine Olympic Committee allowed us. They allowed us to do that since our first game is Sept. 23,” ani Gilas team manager Aboy Castro.