MVP muntik ilaglag si Reyes

MADRID, Spain – Sa kagustuhan ni Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan na manalo ang Gilas Pilipinas bago ang kanilang hu­ling laro laban sa Senegal ay nagpadala siya ng ilang text messages kay Gilas coach Chot Reyes.

“Well, honest ako sa kanya. I’ve always been ho­nest naman sa kanya. Clearly, it puts him under a lot of pressure,” sabi ni Pangilinan sa pagpaparamdam niya ng pagkadismaya kay Reyes.

“My final message was, look, I know you can’t guarantee a win against these huge teams in FIBA because they’re the best 23 countries in the world but we owe our countrymen a lot for their support. The least that you can do is repay them with a win,” dagdag pa ng SBP chief.

Nalusutan ang Senegal sa overtime, sinabi ni Pa­ngi­linan na masaya siya para kay Reyes at maging sa ko­ponan.

Partikular siyang nasiyahan dahil ang panalo ng Gi­las ang nagbigay ng karangalan sa bansa.

“I was telling Chot yung suporta sa team has payback time. If you keep on losing, at some point magsa­sawa ‘yan. We want to make sure that that support stays,” ani Pangilinan, tiniyak na mana­natili ang kanyang suporta sa Gilas Pilipinas.

Show comments