May naghihintay para sa kanila

SEVILLE, Spain -- Maghahati-hati ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas sa malaking halaga bilang incentives matapos ang kanilang ipinakita sa 2014 FIBA World Cup.

Sa isang salu-salong hapunan, inihayag ni SBP president Manny V. Pangi-linan na magbibigay siya ng bonus na maaari nang makuha anumang oras ng mga miyembro ng koponan.

“Those going home tomorrow just let us know how you want to receive, in pesos, euro or us dollars,” sabi ni Pangilinan sa buong team.

Isang Filipino-Chinese group sa pangunguna ni businessmen/sportsmen Cecilio Pedro at Deoceldo kasama ang PBA board ang nakalikom ng  incentive na umabot ng P1 million na paghahati-hatian ng mga miyembro ng team.

Nang tanungin kung magkano ang ibinigay na bonus ni Pangilinan:  “It’s more than what the other give. They fully deserve it,” aniya. (NB)

Show comments