Pason, Mantilla nalo sa Shell Youth Active chess

MANILA, Philippines - Tinalo ni Allan Pason si top ranked John Ray Batucan sa sixth round at umiskor ng 2.5 points sa kanyang huling tatlong laro para angkinin ang juniors crown, habang winalis ni Davao Wisdom Academy bet Earl Rhey Mantilla ang kiddies plum sa 22nd Shell National Youth Active Chess Championships – Southern Min-danao leg sa SM City sa Davao City noong Linggo.

Ginitla ng second-seeded na si Pason si Batucan sa labanan ng dalawang players na wala pang talo bago nakipag-draw kay Diego Claro kasunod ang pagpapayukod kina Clark Anabieza at Raymund Vistal para maging solo winner sa 20-and-under section bitbit ang 8.5 points.

Inakay ng University of Cebu ace sa finals si No. 7 Gerard Acedo sa grand finals ng event na itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Binigo ng pambato ng Bukidnon State University na si Acedo sina Joerlz Gimony, Michael Gastala, Claro at Batucan para tumapos sa solo second sa kanyang 8.0 points at makapaglaro sa national finals sa Oktubre 11-12 sa SM Megamall.

Dumalo sa awards rites sina Pilipinas Shell District manager (VisMin) Mark Anthony Gayon, Shell Sasa Terminal manager Annadelyn Estoque, Shell Account manager (Lubricants) Christine Enriquez, Shell Sasa Operations administration Romulo Agoto Jr. at Shell active chess alumna Mary Israel Palero, ang 2012 juniors champion.

Show comments