Garcia at Moreno bisita sa PSA ngayon

MANILA, Philippines - Magiging bisita sina Philippine Sports Com­mis­sion (PSC) chairman Ri­chie Garcia at Youth Olympic Games gold me­dal winner Gabriel Moreno sa Philippine Sports­wri­ters Association (PSA) Fo­rum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Tatalakayin ni Garcia ang paghahanda ng bansa para sa 2014 Asian Games sa Incehon, Korea.

Ilalahad naman ni Mo­reno ang kanyang karanasan sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

Ang 16-anyos na archer ay sasamahan ng kan­yang amang si Fede­rico Moreno, ang presidente ng national archery federation, sa lingguhang sesyon na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Ra­dio 918.

 

Show comments