Spain, Brazil may 2-0 record

GRANADA, Spain -- Itinala ng host Spain ang kanilang ikalawang su­nod na panalo matapos talunin ang Egypt, 91-54, sa Group A ng 2014 FIBA World Cup.

Humakot si Serge Ibaka ng 18 points, 8 rebounds at 1 block para sa 2-0 baraha ng Spain.

Nagdagdag naman si Ru­dy Fernandez ng 14 marker kasunod ang 12 ni Pau Gasol.

Nakamit din ng Brazil ang kanilang pangalawang dikit na tagumpay ma­tapos talunin ang Iran, 79-50.

Sa iba pang laro, pinayukod ng France ang Serbia, 74-73.

Kumamada si Joffrey Lauvergne, naglaro ng dalawang seasons sa Par­tizan Belgrade, ng 19 points at 6 rebounds para sa 1-1 marka ng France.

Sa Group A, giniba ng Senegal ang Puerto Rico,  82-75.

Sa Group D, pinabagsak ng Slovenia ang Me­xico, 89-68, tampok ang 22 points ni Zoran Dragic.

Nagtala naman si Jonas Valanciunas ng 11 points at 13 rebounds para igi­ya ang Lithuania sa 75-62 panalo sa Angola.

 

Show comments