3 Heat players nagoyo ng isang scammer

MIAMI -- Isang lalaki na nakakulong dahil sa isang real estate fraud conviction ang sinampahan ng multi-million-dollar investment scam ng tatlong Miami Heat players at ang mismong koponan.

Sinasabing kinuhanan ng pera ni Haider Zafar sina players Mike Miller, James Jones at Rashard Lewis no­ong 2013 sa pangakong ilalaan ang kanilang mga pe­ra sa mga business opportunities.

Ngunit sinabi ng prosecutors na itinago ni Zafar ang pera at ginamit ito para bumili ng $1 million, three-season Heat ticket package.

Sina Miller, Jones at Lewis ay nagbigay kay Zafar ng pinagsamang $7.5 milyon.

Nahaharap si Zafar sa limang wire fraud charges na may kaakibat na maximum 20-year prison sentences.

Si Zafar ay sangkot din sa isang $10 million land-buying swindle.

Show comments