MANILA, Philippines - Magtutungo ang PBA board of governors, pamumunuan ng bagong chairman na si Patrick Gregorio at ni Commissioner Chito Salud, sa Spain para bigyan ng morale support ang Gilas Pilipinas na sasabak sa 2014 FIBA World Championship.
Susuporta din ang mga PBA officials sa Team Phl sa Asian Games sa Incheon, Korea kung saan sila magdaraos ng planning session para sa darating na season ng unang play-for-pay cage league sa Asya.
Babanderahan ni Gregorio, pumalit kay Mon Segismundo bilang PBA chairman, ang unang grupo na bibiyahe sa Seville, Spain via Dubai at Madrid.
“Our national team is out for so long. Our count is 40 days. To join them as they go to battle is the best thing we could do. We’ll show ‘here we are supporting you 100 percent,’” sabi ni Gregorio, ang Maynilad executive vice president na kumakatawan sa Talk ‘N Text sa PBA board.
“We realized normal basketball fans are going to Seville to cheer for our team. As Philippine basketball stakeholders and members of the PBA board, we have to do that as well. It’s the PBA board’s obligation to show support to the Gilas boys,” dagdag pa ni Gregorio.
Sa Incheon, Korea ay susuportahan ng PBA board ang Team Phl at pag-uusapan ang kanilang plano para sa darating na PBA Season 40.
“I have plans initially discussed with the board. I have requested the commissioner to review the initial concept. We’ll discuss it lengthily in Incheon,” wika ng board chief.
Nasasabik ang 47- anyos na si Gregorio sa kanyang termino kung saan ipagdiriwang ng liga ang ika-40 taon.
“Technically, next year pa sana ako. My term was advanced on the demise of San Miguel Beer’s Ely Capacio. San Miguel requested for a swap of terms, and I’m thankful they allowed that considering it’s the league’s 40th year. It’s an exciting year and the popularity of the league is at its peak,” ani Gregorio.