MANILA, Philippines - Sa kanilang 74-65 win laban sa Egypt kasunod ang 79-86 pagyukod sa Dominican Republic, positibo ang pananaw ng Gilas Pilipinas sa kanilang pagtungo sa Seville, Spain para sa 2014 FIBA World Cup na magsisimula sa Sabado (Linggo ng umaga sa Manila).
“We’re getting better. Finally, after just one month of preparation, the system and defense is starting to fall into place at the level where we need it to be,” sabi ni Gilas assistant coach Josh Reyes sa kanyang Twitter account.
“Hopefully, it would give us enough of a fighting chance,” dagdag pa ni Reyes.
Hangarin ng koponan na manalo ng dalawang laro sa Group B kung saan kasama nila ang Greece, Argentina, Croatia, Puerto Rico at Se-negal para makapasok sa 16-team knockout stage.
Kahapon ay inilagay ng fiba.com <http://fiba.com> ang Pilipinas sa No. 17 sa Power Ladder sa hanay ng 24 teams.
Base sa resulta ng mga warm-up games na inilaro mula noong May 29, ang Gilas Pilipinas ay nasa likod ng Greece, Argentina at Puerto Rico ngunit nasa itaas ng Croatia at Senegal.
Ang Spain at USA ang top teams sa kanilang perpektong 7-0 at 3-0 records sa friendly games kasunod ang Lithuania, 12-1, Dominican Republic (8-2), Mexico (6-3), France (6-3), Slovenia (6-3), Serbia (6-3), Brazil (5-3) at Greece (5-3).
Sa pagdumog ng Filipino crowd sa Palacio Multiusos de Guadalajara, nakipaglaban nang husto ang Nationals sa Dominicans bago isinuko ang laban na muntik nang pagsimulan ng free-for-all sa first half.
Pinuri naman ni Gilas coach Chot Reyes ang mga Filipino fans matapos ang laro.
Maglalaban ang Phi-lippines at ang Senegal sa World Cup sa Seville sa Setyembre 4. (NB)