Philippine Azkals magiging bisita sa PSA Forum ngayon

MANILA, Philippines - Bibisita si head coach Thomas Dooley at ang mga miyembro ng Philippine Azkals sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong uma­ga sa Shakey’s Mala­te.

Inaasahang tatalakayin ni Dooley at ng mga Azkals ang kanilang magi­ging kampanya para sa darating na Peace Cup.

Ang Azkals ang nagkampeon sa nasabing torneo noong 2013.

Dadalo din sa nasa­bing public sports prog­ram na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Accel, Sha­key’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp. ang mga opisyales ng Pacific Xtreme Combat (PXC).

Ilalahad nila ang idaraos na `Laban MMA sa Lipa, Batangas.’

Pangungunahan nina PXC director for fighter ope­rations Rob San Die­go, promoter Erwin Tagle at tag team matchmaker Jek Ferrer ang nasabing mi­xed martial art compe­tition na nakatakda sa Agos­to 30.

Hinihikayat ni PSA pre­sident Jun Lomibao ang lahat ng miyembro na dumalo.

Show comments