Winalis ang Turbo Boosters at Air Spikers sa best-of-3 semis series Rising Suns kontra sa Lady Troopers sa Finals

MANILA, Philippines - Hindi na nagpapigil ang nagdedepensang Cagayan Valley sa kanilang pagbabalik sa Finals.

Winalis ng Rising Suns ang kanilang best-of-three semifinals series ng PLDT Home TelPad Turbo Boosters mula sa 25-20, 12-25, 25-19, 26-24 panalo sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Humataw si Aiza Mai­zo ng match-high na 22 hits, kasama dito ang 18 kills at 3 blocks, para igiya ang Cagayan sa best-of-five championship series laban sa Phi­lip­pine Army.

Winalis din ng Lady Troopers ang kanilang se­mis showdown ng Air Force Air Spikers mula sa kanilang 25-11, 25-20, 25-22 tagumpay sa ikalawang laro ng mid-confe­rence na itinataguyod ng Sha­key’s katuwang ang Mikasa at Accel.

Nagbida si Rachel Ann Daquis sa nasabing panalo ng Army sa kanyang 11 hits.

Nagtala naman si Jo­ve­lyn Gonzaga ng 13 points kasunod ang 12 ni Ma­ry Jane Balse at 10 ni Nerissa Bautista para sa Lady Troopers.

Nakatakda ang Game One ng titular series ng Cagayan at Army sa Hu­we­bes, ayon sa nag-oorga­nisang Sports Vision.

Nagdagdag sina Pau So­riano at Janine Marciano ng 11 at 10 points.

Maski ang paglalaro nina Dindin Santiago at Car­mina Aganon para sa Tur­bo Boosters ay hindi na­kapigil sa Rising Suns.

Show comments