CLEVELAND - Naghintay sina Kevin Love at LeBron James ng huling 30 araw para muling maging magkakampi.
Uhaw naman ang Cleveland sa isang NBA championship sa loob ng 50 taon.
Dinala ng Minnesota Timberwolves si Love sa Cavaliers para makumpleto ang kanilang trade.
Kaagad tinanggap ni James si Love sa Cleveland.
“Welcome to the Land (at)kevinlove!” sabi ng four-time league MVP sa kanyang Twitter account.
Ang Cleveland ay isang siyudad na wala pang naipapanalong major sports championship sapul noong 1964.
Tinanggap naman ng Timberwolves si No. 1 overall draft choice Andrew Wiggins kasama si dating top pick Anthony Bennett mula sa Cavaliers at si veteran forward Thaddeus Young buhat sa Philadelphia 76ers sa kanilang three-team deal.
“When it boils down to it, Kevin over his six years, he kept on saying ‘I want to win. I want to win,’” wika ni Timberwolves president Flip Saunders kay Love. “Unfortunately over these last years, both him and the team haven’t been able to do that. He felt it was best for him to go elsewhere.”
Nakuha naman ng Sixers ang isang 2015 first-round draft choice mula sa Cleveland - nakamit ng Cleveland mula sa Miami sa pagbibigay kay James.
Ibinigay ng Minnesota sa Philadelphia sina guard Alexey Shved at forward Luc Mbah a Moute.