San Beda, Arellano target ang 9th win

MANILA, Philippines - Pagbabalakan ngayon ng four-time defending champion na San Beda Red Lions at Arellano Chiefs na makaulit ng pa­nalo sa San Sebastian Stags at Mapua Cardinals sa 90th NCAA men’s basketball tournament nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Ang makukuhang pa­nalo ng Red Lions at Chiefs ang magiging ika-si­yam matapos ang 11 la­ro.

Sakaling mangyari ito para sa Arellano ay maililista nila ang pinakamataas na panalo sapul nang su­mali sa liga.

Ang dating pinakama­taas ay walo na nakuha no­ong nakaraang taon.

Tampok na laro ang bak­bakan ng Arellano at Mapua Cardinals na siyang nangungulelat na ko­ponan sa 1-9 baraha.

Tumipa ang tropa ni coach Jerry Codiñera ng 68-63 panalo sa Cardinals sa unang pagtutuos at sasandal uli siya sa magandang pagtutulungan nina Jiovani Jalalon, John Pinto at Keith Agovida para ma­natiling nasa unahan.

Wala ring nakikitang prob­lema sa puntiryang pa­nalo ng tropa ni coach Bo­yet Fernandez sa Stags na kanilang dinurog sa unang pagtutuos, 75-56.

Samantala, ang co-cap­tain ng Letran Knights na si Mark Cruz ang gi­nawaran ng ACCEL Quan­tum-3XVI NCAA Press Corps Player of the Week citation.

Ito ay dahil sa kanyang pag­bibida sa 84-77 overtime win laban sa host Jo­se Rizal University Heavy Bombers.

Tumapos si Cruz bitbit ang career-high na 26 points at 10 rito ay ginawa sa overtime para maging palaban sa semifinals ang Letran sa kanilang 4-6  ba­raha.

Sina Perpetual Help Al­­tas rookie Gabriel Da­ga­ngon at St. Benilde Bla­zers guard Paolo Taha ang iba pang ikinunsidera sa lingguhang citation.

Show comments