Tinalo ang Spikers at Boosters sa Game 1 troopers, Rising Suns nakalapit sa finals

MANILA, Philippines - Isang panalo na lamang ang kailangan ng La­dy Troopers at ng Ri­sing Suns para maitakda ang kanilang best-of-five championship series.

Ito ay matapos talunin ng No. 1 Philippine Army ang No. 4 Philippine Air Force, 24-26, 25-19, 25-20, 25-19, at gibain ng No. 3 at nagdedepensang Ca­gayan Valley ang No. 2 PLDT Home Telpad, 25-11, 16-25, 25-14, 25-­20, sa semifinals se­ries ng Shakey’s V-League Season 11 Open Con­ference ka­hapon sa The Arena sa San Juan.

Kinuha ng Lady Troo­pers at ng Rising Suns ang 1-0 bentahe sa kani-ka­ni­lang best-of-three semifinals showdown.

Ang kanilang tagum­pay sa Game Two sa Ling­go ang tuluyan nang mag-aayos sa kanilang ti­tular war. 

Umiskor naman si da­­ting Far Eastern Univer­sity standout Rosemarie Var­gas ng 18 points, habang may 16 si Janine Mar­ciano, 12 si Aiza Mai­zo at 11 si Pau Soriano pa­ra sa tagumpay ng Cagayan.

Nagtumpok sina Ginie Sabas at Joanne Bunag ng pinagsamang 24 hits para ibigay sa Army ang panalo, habang may 4 hits lamang si top hitter Rachel Ann Daquis.

Tumapos sina Sabas at Bunag na may 14 at 10 points, ayon sa pagkaka­su­nod, para suportahan si­na Jovelyn Gonzaga, Ma­ry Jean Balse at Nerissa Bau­tista.

Humataw si Gonzaga ng 18 hits kasunod ang 13 ni Balse at 11 ni Bautista.

Matapos isuko ang first set sa Air Spikers ay inangkin ng Lady Troo­pers ang sumunod na da­­lawang sets para sa ka­nilang 2-1 abante.

 

Show comments