NEW YORK -- Sa pag-atras si Kevin Durant ay magpapatuloy naman ang U.S. national team.
Ginulat ni Durant ang lahat nang magdesis-yong umatras matapos makipag-ensayo sa koponan sa unang linggo ng kanilang training camp.
Ngayon ay hindi na nila iniisip ang nangyari.
“I’m through talking about Kevin,’’ sabi ni U.S. coach Mike Krzyzewski matapos ang ensayo ng koponan para sa dara-ting na Basketball World Cup.
“We’re done with that. We’re on to this group. What a coach does, a coach coaches who he has, not who he doesn’t have. You’re married, you’re with that woman, you’re not thinking about who you dated.’’
Umatras si Durant noong Agosto 7 matapos lamang ang ensayo ng koponan sa Las Vegas, Nevada kung saan noong 2013 ay inihayag niyang sasama siya sa Team USA.
Nagdesisyon ang NBA MVP at leading scorer na magpahinga kesa hangarin ang kanyang ikalawang gold medal.
“I think for myself, I just needed to take a step back,’’ wika ni Durant.
Wala siya sa East Ru-therford, New Jersey, kung saan naglaro ang US Team sa Nets’ training center.
Ngunit nakasama niya ang ilang kakampi kagaya nina James Harden, Stephen Curry at Anthony Davis sa isang panel para sa promosyon ng video game ‘NBA 2K15’ kung saan lumbas si Durant sa cover.
Sinabi ni Durant na naging mahirap sa kanya ang desisyong kumalas sa US team dahil aniya, isang di malilimutang karanasan ang makasama si Stephen Curry sa 2010 world championship.
Siya ang hinirang na MVP ng torneo matapos magtala ng average na 22.8 points sa paghahari ng Americans sa unang pagkakaton matapos noong 1994.
Siya ang leading scorer noong 2012 sa London Olympics sa average na 19.5 points per game.