Nagpasikat ang Batang Gilas

MANILA, Philippines - Sinapawan ng Batang Gilas ang mas mataas na Jordan tungo sa 85-60 panalo bilang magandang panimula sa kanilang kampanya sa FIBA-Asia Under-18 Championship sa Al-Gharafa Gym sa Doha, Qatar kahapon.

Pinahirapan ni Ranbill Tongco,  rookie mula sa San Beda senior basketball team ang Jordanians sa paghakot ng game-high na 24 points sa kanyang impresibong 11-of-17 shooting para tabunan ang kanyang pitong turnovers.

Sumuporta naman si Joshua Andrei Caracut,  veteran member ng natio-nal youth team, sa kanyang 11 points na karamihan ay ginawa niya sa third quarter kung saan kumawala ang Nationals bukod pa sa kanyang anim na assists, tatlong rebounds at tatlo ring steals.

Nagsumite naman sina Andres Paul Desiderio ng State U at Manuel Isidro Mosqueda III ng National U ng tig-10 points.

Susunod na kalaban ng Batang Gilas, sinuportahan ng MVP Sports Foundation at Smart ang biyahe dito, ang sharp-shooting South Korea sa alas-2:00 ng hapon (Phl time) sa labanang tutukoy ng koponang mangungu-na sa Group B.

Nauna nang nanalo  ang South Koreans sa Jordanians, 95-38.

Anupaman ang resulta ay pasok na ang Batang Gilas, Jordan at South Korea sa second round  dahil sila lang ang grupo na may tatlong teams lamang habang ang iba ay may tig-4 teams.

Pinaglalabanan sa torneong ito ang  tatlong slot sa 2015 FIBA U-19 World Championship sa Greece.

Show comments