OVERLAND PARK, Kan. - Sinabi ni Andrew Wiggins kay Kansas coach Bill Self na gusto niyang mailipat sa Minnesota mula sa Cleveland dahil naniniwala ang No. 1 overall pick na ito ay makakabuti sa kanyang kinabukasan.
Nakasama ni Wiggins ang kanyang dating coach bilang guest instructor sa basketball camp ni Self sa Kansas City noong Linggo.
Habang tumanggi si Wiggins na makapana-yam ng ilang reporters sa Shawnee Mission West High School, sinabi ni Self na gusto ng rookie na maitala ang kanyang legacy sa NBA.
“When all this trade stuff started, I talked to Andrew and Andrew told me, “I hope I get traded,’’ sabi ni Self. “And I’m like, ‘No you don’t.’ And he said, “Coach, I do. It’s better for me, knowing my personality and what I need to do, to go somewhere where I’m forced to be something as opposed to going in there where they’re going to be patient with me and I’m going to be a piece.’’
Kamakailan ay iniulat ng Associated Press at ilang media outlets na nagkaroon na ng kasunduan na magdadala kina Wiggins, Anthony Bennett at sa isang first-round pick sa Minnesota kapalit ni All-Star forward Kevin Love, makakasama sina LeBron James at Kyrie Irving para sa kanilang bagong ‘Big 3’ sa Cleveland.
Hindi pa mapapanalisa ang deal hanggang sa Agosto 23 kung saan si Wiggins ay maaari nang i-trade.
Sinabi ni Self na inakala niyang wala nang problema sa paglalaro ni Wiggins sa Cleveland.
Ngunit nakita rin niya ang punto ni Wiggins.
Mas makakabuti kung ang mapagkumbabang swingman ang magdadala sa isang NBA franchise.
Ito ay hindi mangyayari kung maglalaro si Wiggins sa anino ni James sa Cavaliers.
“Even though in a weird way everybody would love the opportunity to play with LeBron because you’re guaranteed winning,’’ sabi ni Self.