Sports heroes tampok sa GMA News TV bukas

MANILA, Philippines - Kilalanin ang ilan sa mga personalidad na humubog sa palakasan at nagbigay-karangalan sa bansa sa isang TV special ng GMA News TV na pinamagatang “Gabi ng Pagpupugay” na ipapalabas bukas sa ganap na alas-5:00 ng hapon sa GMA News TV Channel 11.

Kabilang sa mga atletang itatampok ay sina Anthony Villanueva, ang kauna-unahang Filipino Olympic medalist sa boxing noong 1964 Tokyo Olympics; Teofilo Yldefonso, ang unang Filipino Olympic me-dalist sa swimming noong 1928 Amsterdam Olympics; Pancho Villa, ang unang world boxing champion sa Asia; Eugene Torre, ang unang Grand Master ng chess sa Asia; Paeng Nepomuceno, three-time Guiness World Record holder at six-time World Bow-ling Champion; at si Lydia de Vega, ang Asia’s Sprint Queen at two-time Olympian para sa track at siya ring kumatawan sa bansa noong 1984 Los Angeles Olympics at 1988 Seoul Olympics.

Show comments