MANILA, Philippines - Pinagtibay ng four-time defending champion San Beda Red Lions ang kanilang depensa para maisantabi ang pagkawala ng 17 puntos na kalama-ngan tungo sa 77-75 pana-lo sa Perpetual Help Altas sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sinupalpal ni Kyle Pascual ang undergoal attempt ni Harold Arboleda bago ang pinakawalang triple ni Joel Jolangcob para maigawad sa Lions ang ikapitong panalo matapos ang walong laro.
Lumayo ng hanggang 17 puntos ang Lions, 57-40 sa ikatlong yugto pero hindi agad naipagpag ang Altas dahil sa pagsisikap nina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson, Justine Alano at Arboleda.
“Perpetual is a strong team and this win is a morale booster to us going into our next game against Letran,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Tinapos naman ng Lyceum Pirates ang kanilag losing streak sa 71-64 panalo sa San Sebastian Stags sa ikalawang laro.
Tumapos si Wilson Baltazar tangan ang 18 puntos at siya ang nagpaningas sa malakas na laro sa ikatlong yugto upang maagwatan nila ang Stags.
Ikalimang panalo sa siyam na laro ang naitala ng Pirates na napigil din ang 2-game losing streak habang pang-apat na sunod na pagkatalo ito ng Stags tungo sa 3-5 marka.
May 17 puntos si Ba-ser Amer at ang kanyang split sa charity sa huling 53 segundo ang naglayo sa 77-73.
Bumanat ng follow-up si Alano bago bumalik ang bola sa Altas bunga ng offensive foul ni Ola Adeogun. (AT)
San Beda 77- Amer 17, A. Semerad 14, Dela Cruz 12, Adeogun 11, Sara 7, Mendoza 6, Pascual 4, Tongco 4, D. Semerad 2.
Perpetual Help 75- Baloria 21, Arboleda 17, Alano 16, Thompson 10, Dizon 4, Jolangcob 4, Dagangon 3.
Quarterscores: 19-11; 39-38; 65-56; 77-75.
Lyceum 71- Baltazar 18, Gabayni 14, Mbbida 13, Lesmoras 10, Maconocido 5, Taladua 3, Malabanan 2, Ko 2.
San Sebastian 64 - Guinto 22, Perez 13, dela Cruz 6, Ca-masura 6, Pretta 6, Balucanag 4, Calisaan 2, Fabian 2, Yong 2, Aquino 1.
Quarterscores: 12-18; 31-28; 56-42; 71-64.