NCAA-PC ACCEL Quantum/3XVI Player of the Week

MANILA, Philippines - Pinangalanan ng NCAA Press Corps si Mark Romero bilang ACCEL Quantum/3XVI Player of the Week matapos pangunahan ang St. Benilde Blazers sa 2-0 karta.

Naghatid ng 17 puntos, 5.5 assists at tatlong rebounds ang tubong Taytay, Rizal na si Romero sa nakuhang 83-76 at 86-77 pananaig ng CSB sa San Beda at Lyceum.

Ito ang ikaapat na sunod na tagumpay ng Blazers para saluhan ang Heavy Bombers sa ikaapat na puwesto sa 4-3 karta.

“Mark is our leader and he does everything for us. We really need him to be at his best if we want to keep winning,” wika ni Blazers coach Gabby Velasco.

Ang kakamping si Paolo Taha at Jonathan Grey bukod pa kina Michael Mabulac at Jaycee Asuncion ng JRU ang iba pang ikinonsidera sa lingguhang citation.

Show comments