Bayless pumirma sa milwaukee

MILWAUKEE -- Pumirma si free agent Jerryd Bayless sa Milwaukee Bucks dahil kay Jason Kidd.

Naglaro ang 6-foot-3 guard para sa Memphis at sa Boston noong nakaraang season at nagtala ng average na 9.3 points sa 72 games.

Ngayon ay magkakaroon siya ng tsansa na maglaro para kay Kidd, umalis sa Brooklyn Nets para maging coach ng Bucks.

“The thing that was most intriguing was Kidd,’’ sabi ni Bayless sa training facility ng Bucks. “He can help me in a variety of different ways. There aren’t a lot of guys like him that come around.’’

Inihayag ni general manager John Hammond ang naturang deal.

Lumagda si Bayless ng isang two-year contract na nagkakahalaga ng $3 milyon bawat season.

Show comments