MANILA, Philippines - Tinalo ng Philippine Army ang PLDT Home Telpad via straight sets, habang winalis ng huli ang Cagayan at pinigil ng defending champion na Rising Suns ang Lady Troopers sa four sets na nagresulta sa three-way logjam sa pagsisimula ng quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference bukas.
Ang Air Force ay kasalukuyang nasa ilalim ng magkakatablang PLDT, Army at Cagayan kasunod ang National University, ang top spiking at blocking team matapos ang elims bago ang Ateneo.
Dahil sa magkasunod nilang five-set losses sa pagtatapos ng elims sa torneong itinataguyod ng Shakey’s ay kailangang walisin ng Lady Eagles ang kanilang limang laban at ipanalangin na hindi makakuha ng pitong panalo ang NU o Air Force para makapuwersa ng playoff para sa huling Final Four berth.
Ang top four teams matapos ang single round robin quarters ang aabante sa crossover semis ng ligang suportado ng Mikasa at Accel kung saan ang Nos. 1 at 4 squads at ang Nos. 2 at 3 teams ang mag-aagawan sa final berths sa dalawang best-of-three series.
Lalabanan ng PLDT Home Telpad ang Ateneo bukas sa ganap na alas-4 ng hapon, habang nakakuha ng bye ang Army at Cagayan. Sasagupain ng Air Force ang NU sa alas-2 sa The Arena sa San Juan.
Hangad ng reigning UAAP champions na Lady Eagles na pigilan ang kamalasan nila bagama’t maganda ang ipinapakita ni Alyssa Valdez.
Pinamunuan ni Valdez ang scoring matapos ang elims sa kanyang 27-hit clip, kasama rito ang 1.7 blocks at 2.7 aces, para sa kabuuang 185 points.
Nasa No. 2 si Jaja San-tiago ng NU sa kanyang 118 points kasunod sina Frances Molina (113) ng PNP, Katherine Bersola (102) ng UP at Aiza Maizo ng Cagayan (99). Si Santiago ang hinirang na accurate spiker sa kanyang 44.81 percent success mula sa 95 spikes sa 212 attempts. Nagtala naman si Valdez ng 158 kills ngunit may mas maraming attempts sa 378 para sa kanyang 41.80 performance.
Si Myla Pablo ng NU ay ikatlo sa kanyang 40.45 percent mula sa 72 connections sa 178 tries. Si Pau Soriano ng Cagayan ang top blocker sa kanyang 0.75 average per set, kasama ang 18 sa kill sa pitong laro.