Nag-aalala si Roach sa style ni Algieri

MANILA, Philippines - Hindi gusto ni Freddie Roach ang fighting style ni Chris Algieri, ang kalaban ni Manny Pacquiao sa Nov. 23 sa Macau ngunit kumpiyansa ang multi-titled trainer na kaya nila ang undefeated New Yorker.

Sa panayam ni Scott Christ ng bad-lefthook.com, pinansin ni Roach ang hilig ni Algieri na magpaikut-ikot imbes na makipagsalpukan sa kalaban na hindi bagay sa estilo ni Pacquiao.

“His style, he’s a bit of a runner. Pacquiao doesn’t particularly like fighting guys who run so much,” sabi ni Roach.

Maaari ring maging problema ang height at range ni Algieri para sa Filipino icon at hindi rin siya kilala na naghahabol ng knockouts.

Sa 20 fights, ang 5-foot-10 na si Al-gieri ay may walong KO lamang.

Mas gustong gamitin ng WBO light welterweight champion ang jab at la-ging nakadistansiya sa kalaban pero idineklara ng kanyang promoter na si Joe DeGuardia kamakailan na tatalunin niya si Pacquiao.

“We’ll figure out a way to beat him. It’s not a problem. He’s got a good jab. That’s it,” ani Roach.

Maghaharap sina Pacquiao at Algieri sa Cotai Arena ng Venetian Resort sa Macau.

Show comments