Pinili ni LeBron ang No. 23

MANILA, Philippines - Magbabalik si LeBron James sa paggamit ng jersey No. 23 sa pagbabalik-laro niya sa Cleveland Cavaliers.

Sa kanyang tweet, sinabi ni James na: “23 it is! It’s only right I go back. 23 (equals) 6 We still family 6.’’

Kasama sa tweet ang isang Instagram post na may larawan ni James tangan ang kanyang No. 23 Cavaliers jersey sa draft night, ang isa ay ang bagong bersyon ng Cavs’ jersey at ang isa ay suot ang kanyang high school jersey.

Ginamit ni James ang No. 6 sa apat na seasons sa Miami Heat at sa U.S. Olympic team.

Isinuot niya ang No. 23 jersey sa high school at sa pitong seasons sa Cleveland.

Kamakailan ay ginamit ni James ang social media para tulungan siyang makapili ng number na isusuot niya sa darating na season para sa Cavaliers. Isinulat ni James na: “6 or 23....’’ sa kanyang Twitter account.

Show comments