Cavs nagdagdag ng bala para makuha si love

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo ang Cleveland Cavaliers para pa-lakasin ang kanilang trade asset flexibility sa paghahabol kay Minnesota Timberwolves All-Star forward Kevin Love sa pamamagitan ng pagtanggap sa tatlong non-guaranteed contracts sa isang trade sa Utah Jazz.

Binitawan ng Cavaliers ang guaranteed deal kay Carrick Felix – kasama ang isang future second-round pick at $1 milyon – para kina John Lucas, Malcolm Thomas at Erik Murphy, ayon sa sources.

Determinado ang Cleveland na makuha si Love matapos mapapirma si LeBron James sa isang free-agent deal para sa kanyang pagbabalik sa Cavs.

Ang nasabing tatlong players ay maaaring isama sa packages para makuha si Love.

Interesado rin ang Cavaliers kay Tho-mas para palakasin ang kanilang front court.

Gusto namang isama ng Timberwolves si Love sa isang package kasama sina Kevin Martin at J.J. Barea.

 

Show comments