Bulls puntirya si Love

MANILA, Philippines - Maaaring makaapekto sa binubuong ‘Big Three’ ng Cleveland ang pag-uusap ng Chicago Bulls at ng Minnesota Timberwolves kaugnay kay forward Ke­vin Love.

Inaalok ng Cavaliers ang No. 1 overall draft pick na sina Andrew Wiggins at 2013 top pick Anthony Bennett para makuha si Love mula sa Timberwolves.

Subalit kasama pa rin sa eksena ang Bulls.

Kabilang sa magiging trade options ng Bulls ay si­na dating first-round picks Taj Gibson at Jimmy But­ler.

Matagal nang nag-uusap ang Cleveland at ang Min­nesota matapos kunin ng Cavaliers si superstar for­ward LeBron James.

Kinausap ni James si Love para sa kanilang pagta­tambal dahil isinasama ng Cavaliers si Wiggins sa isang posibleng trade.

Show comments