MANILA, Philippines - Kumamada sina Jaja Santiago at Myla Pablo ng tig-12 kills para banderahan ang National University sa 25-23, 25-16, 25-18 pananaig kontra sa Philippine National Police upang buhayin ang kanilang pag-asa sa Shakey’s V-League Season II Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.
Bumangon ang Lady Bulldogs buhat sa naunang kabiguan sa Philippine Army at nagdedepensang Cagayan Valley para itaas ang kanilang record sa 2-2.
Sa ikalawang laro, pinayukod ng Ateneo ang Unversity of the Philippines, 25-15, 24-26, 25-21, 21-25, 15-11.
Nagposte si scoring leader Alyssa Valdez ng 31 hits, tampok ang 28 kills, para igiya ang Lady Eagles sa ikalawang pa-nalo at makatabla sa Lady Bulldogs sa pang-limang puwesto sa torneong sinusuportahan ng Mikasa at Accel.
Tumapos naman si Santiago na may 18 hits, kasama dito ang 3 blocks at 3 aces at may 5 points si setter Ivy Perez para sa NU.
Nag-ambag si Jane Mandapat ng 8 markers, habang may tig-5 points sina Jorelle Singh at Pe-rez para sa NU na hangad maduplika ang kanilang pagrereyna sa First Conference ng Season 10.
Tatargetin ng Bustillos-based team ang kanilang pangalawang sunod na panalo sa pagharap bukas sa PLDT Home Telpad, asam na ma-kabawi sa straight-set loss sa Lady Troopers noong nakaraang Huwebes.
Pinamunuan naman ni Frances Molina ang PNP sa kanyang 15 hits, ngunit nabigong makakuha ng solidong suporta mula sa iba pang Lady Patrollers.
Ito ang pang-limang dikit na kamalasan ng PNP na naglagay sa kanila sa balag ng ala-nganin sa nasabing mid-season conference na itinataguyod ng Shakey’s.