Mapapalaban ng husto si Viloria kay Zuniga

MANILA, Philippines - Inaasahan ni dating WBC/IBF lightflyweight at WBA/WBO flyweight champion Brian Viloria ang matinding hamon mula sa upset-conscious na si Jose Alfredo (Diablito) Zuniga ng Mexico sa kanilang nakatakdang 10-round bout sa Cotai Arena sa Venetian Macau Resort ngayon.

Sinabi nig 33-gulang na si Viloria na hindi niya style ang pagbibigay ng prediksiyon ngunit ipinangako niyang gagawin niyang lahat ng kanyang makakaya para maging palaban ulit sa world title.

“This isn’t an easy fight,” sabi ni Viloria. “Zuniga’s tough and durable. He’s fought some world-class opponents. I’m not taking him lightly at all. Of course, I’ll try to go for an early knockout but if he’s as tough as his record indicates, I’m ready to put the rounds in.”

Kumpara kay Viloria, kulang pa sa karanasan ang 25-gulang na si Zuniga. Papasok sa ring si Zuniga na may 11-5-1 marka, kabilang ang 5 KOs kum-para sa 33-4 ng Hawaiian Punch na may 19 KOs.

Magbabalik si trainer Freddie Roach sa corner ni Viloria para sa laban kung saan makakasama niya sina cutman Ruben Gomez at Roger (Speedy) Gonzalez.

Nagsanay si Viloria sa Wild Card Gym sa Los Angeles kay Roach at kanyang  assistant na si Marvin Somodio.

Show comments